Mga Magagandang Tanawin sa Bohol




Gusto mo bang mamasyal kasama ang iyong pamilya o di kaya’y kasama ang iyong mga barkada sa maliit na halaga? hali na’t tayo ay mag lakbay sa Bohol at pasyalan ang mga nakakamangha at napakagandang mga tourist spot na ipinagmamalaki ng Bohol.




 Ang una natin na lalakbayin ay ang lungsod ng Loboc kung saan makikita natin ang ipinagmamalaki nilang Loboc River Cruise na dinadayo ng maraming mga turista dahil sa kanilang masasarap na pagkain na binabalikan ng mga turista. Seafoods ang kanilang kadalasang inihahain dahil alam nila na gusto ng mga turista ito lalo na kapag galing sa ibang probinsya o ibang bansa. Tuwing gabi, pinapailaw nila ang iba’t ibang kulay ng ilaw at mayroon din silang firefly watching na naging sentro din ng atraksyon sa Loboc. Dito rin makikita ang isa sa mga pinakaluma at matandang simbahan sa buong Pilipinas ang Loboc Church na nawasak dahil sa isang 7.2 magnitude na lindol. Malaki talaga ang ambag ng tanawing ito dahil nagbibigay ito ng oportunidad sa mga tao doon at umunlad ang turismo ng kanilang lungsod.





Atin namang puntahan ang tanawin sa Lungsod ng Loay. Dito natin makikita ang estatwa sa ginawang seremonya ni Dagohoy at Sikatuna bilang tanda ng pagkakaibigan. Makikita din sa  Lungsod ng Loay ang bantog na Himuntagon Hills o mas kilalang Morning hills. Mayroon din silang kilalang beach resort na kung saan dinadayo ito ng maraming tao.




 Pumumunta naman tayo sa Lungsod ng Bilar na kung saan makikita ang Man Made Forest na binabalik balikan ng maraming turista dahil sa angking kagandahan nito at sa malamig na temperature na gusto ng mga turista na mahilig sa mga malalamig na lugar. Kung ang gusto naman ninyo ay mga hayop ay puntahan ninyo ang Magsaysay Park na kung saan makikita ninyo ang iba’t ibang uri ng hayop. Pwede rin na magpakain ng saging sa mga unggoy. Kung gusto naman ninyong maligo, puntahan ninyo ang Logarita Spring na kung saan mararanasan ninyo ang sobrang lamig na tubig na galing sa taas ng bundok na umaagos pababa nito. Maraming dumadayo dito kapag panahon na ng tag init dahil gusto nilang magpa refresh.




 Pumunta naman tayo sa Lungsod ng Carmen kung sa makikita ang ipinagmamalaki sa buong mundo ang Chocolate Hills na dinadayo ng maraming turista dahil sa kakaibang uri ng burol na nagiiba iba ng kulay kapag iba-iba din ang panahon.

fgfg.jpg



Pumunta muna tayo sa Lungsod ng Sagbayan kung saan makikita ang kilalang tanawin na Sagbayan Peak. Makikita dito ang ganda ng kanilang lugar at malalanghap moa ng malamig na simoy ng hangin. Bago tayo pumunta sa iba pang magagandang tanawin sa Bohol ay atin namang pasyalan ang Lungsod ng Danao sa nakakabighaning tanawin na tinatawag nilang Sea of Clouds na dinadayo ng mga turista dahil sa magandang fog formation bago sumikat ang araw. Maraming turista ang palaging bumabalik dito para matangal ang kanilang stress at pagod. Pwede nyo ring subukan ang kanilang napakataas na zipline na nagpapasigaw sa iyo sa takot at nerbyos.Dinadayo ito sa mga taong mahilig sa adventure at sports.

ddgf.jpg


Puntahan naman natin ang ipinagmamalaki ng Lungsod ng Pilar ang kanilang Dam dahil sa magandang pagkakatayo nito. Mayroon din silang Jardin Necitas na dinadayo ng maraming turista dahil sa kakaiba nitong estilo ng bulaklak na may iba’t ibang kulay tuwing gabi. Naging sentro na ito ng atraksyon dahil sa tulong ng social media tulad ng Facebook, Instagram at iba pa maraming tao ang sumubok na pumunta doon at naranasan nila ang ganda nito. Malaki ang tulong ng tanawing ito dahil nakilala na ang kanilang lugar na isa sa mga sikat na tourist attraction sa Bohol.



Sa iba pang lugar sa Bohol tulad ng Alburqerque matatagpuan ang isang sikat na tourist attraction kung saan matatatgpuan ang isang malaking ahas na dinadayo ng maraming turista dahil sa laki nito.Sabi ng nangangalaga ng alagang ahas ay maliit pa daw ang ahas na nakita sa gubat at pinalaki nila hanggang sa lumaki ito at bumigat. Dati isang karne lang ng manok ang pinapakain sa alagang ahas hanggang sa kumain na ito ng isang buong karne ng baboy.



Sa Lungsod din ng Baclayon makikita ang pinakamatandang simbahan sa buong Pilipinas. Ngunit sa kasalukuyan ay nasira din ito ng lindol na naganap noong nakalipas na taong 2013. Ngunit unti-unti nang bumangon ang lungsod dahil sa nangyaring lindol.






Isa rin sa dinadayo ng maraming turista ang Hanging Bridge na matatagpuan sa Lungsod ng Sevilla kung saan tatawid ka sa tulay na pagiwang-giwang at mayroon naghihintay sayo para hihikayatin kang bumili ng souvenir items at specialty nila. Sa kasamaang palad, inanod ng baha ang tulay noong nakaraang taon dahil sa malupit na bagyong tumama sa Bohol. Agad namang pinalitan ang  tulay na pinatibay at inayos na nang mabuti para hindi na masira pa muli.







 Pumunta naman tayo sa Lungsod ng Anda dahil dinadarayo ito ng maraming turista dahil sa puting buhangin at malinis na dagat. Maraming mga negosyante ang nagtayo na ng mga beach resorts tulad ng Anda de Boracay na binabalik-balikan ng mga turistang banyaga.





 Kung ang gusto ninyo ay isda, hindi magpapahuli ang isla ng Pamilacan kung saan matatagpuan ang iba’t ibang uri ng isda at iba-ibang kulay nito. Kailangan pang sumakay ng bangka para marating doon. Mahigpit ang pagprotekta sa mga ito dahil endangered animals ang mga ito. Mayabong talaga sa yaman ang Bohol lalo nasa mga isla tulad ng Pamilacan Island. Kung pagod na kayo sa inyong paglalakbay ay tiyak gutom na kayo kaya kailangan ninyo ding ng pumunta sa Panglao Island para tikman ang mga iba’t ibang putahe ng pagkain na nanggaling sa dagat o mga pagkain lamang dagat. Marami  ding mga magagandang beach resort sa Panglao dahil sagana ito sa puting buhangin na paulit-ulit na binabalikan ng mga turistang banyaga. Marami talagang tanawin at pasyalan sa Bohol pero ang importante ay masaya ka sa mga ginagawa mo dapat kang mag enjoy. At higit sa lahat pag-ingatan natin ito dahil napakahalaga nito at nakakatulong sa ating mga kababayan dahil dito sila kumukuha ng kanilang hanapbuhay.

Mga Komento